Akala ko dati sa umpisa lang mahirap kalimutan yung isang bagay pero nung nag tagal na, nasabi ko sa sarili ko easy lang naman pala e, ang hindi ko alam hindi pala ito nakakalimutan kundi nakakasanayan lang. Parang isang lugar na hindi pamilyar sayo. Una maliligaw ka, hanggang sa makabisado mo na yung lugar, yung tipong sa araw araw na paglalakad mo hindi mo na papansin na yung nilalakad mo e parang sobrang lapit na lang pala. Hindi distansya yung umiiksi at lalong hindi yung paglalakad mo yung bumibilis pero ito yung pakiramdam sa sarili mo na hindi mo maipaliwanag pero alam mo kung bakit. Minsan kasi ganon ako e, meron akong alam pero hindi ko alam kung paano ko nakuha. alam mo ba yung ganon?
Tulad ngayon, masaya ako kasi di kita na aaalala pero habang nagsusulat ako na iisip kita. Minsan, sasabihin ko sa sarili ko good di kita naalala, pero na isip na naman kita. iba kasi ung naalala sa na isip mo. Yung tipong di siya sumagi sa isip mo buong araw, pero at the end of the day ma iisip mo na lang, akala ko lang pala yun.
Mahirap yung ganon kasi kahit pilitin ko man ang sarili ko na di ka isipin hindi ko pa rin maiwasan. bakit? kasi hindi ko kontrolado ang mundo. kahit planuhin ko pa ang buong buhay ko, kahit ako na ang pinakamagling na tao sa mundo o kahit mahulaan ko yung mangyayari imposible pa rin na hindi kita maalala,maisip o makita. Kasi kahit anong gawin ko, wala akong magagawa. Kahit sabihin kong paulit-ulit ang nangyayari sa buhay ko, di ko pa rin masasabing: ah bukas ganito mangyayari kasi ganito ganyan. Bakit? Kasi hindi ko alam kung anong plano ng mga taong nakapaligid sa akin, hindi ko alam sinong makaka-usap ko, sinong makakasabay ko sa sakayan, sinong makakasalubong ko. Kahit sabihin nating hindi tao, kahit sa isang bagay na lang, kahit nga sa kanta, sa letra o sa numero at sa kahit kung ano pa. Kasi sa bawat taong makita ko, sa bawat kantang marinig ko,sa bawat letrang nakikita ko at sa bawat bagay na meron ako ikaw agad pumapasok sa isipan ko.
Halimbawang iwasan ko yung mga lugar na parati nating pinunpuntahan posible kayang di kita maalala? HINDI. bakit? maiiwasan ko ba yung mga taong konektado sayo? hindi at dahil doon papasok ka na naman sa isip ko. Kahit magtago pa ako sa pinakailaliman ng mundo o kung saan impyerno man yan alam ko hindi kita makakalimutan ng basta-basta ganon na lang.
Kaya nagtataka ako, bakit ang bilis mo kong nakalimutan? ang bilis naman ata ng pagtakbo ng oras sa mundo mo. Nakalimutan mo na ba ako ng ganon na lang? Wala ka na bang naalala sa akin? Hindi ko kasi alam kung kailan at paano mo nagawa yan? Pwede mo ba akong turuan?
Sana dumating na yung panahon na pag gising ko, hindi na ikaw yung unang papasok sa isip ko. Hindi na ikaw yung laman ng panaginip ko. Hindi na ikaw yung maalala ko sa gabi bago matulog. Hindi na ikaw yung dahilan kung bakit ako nag ffacebook. Hindi na ikaw yung dahilan kung bat ako nag-aayos, nag-aaral ng mabuti. At sana dumating na yung panahon na hindi ko na gawin ang lahat ng ito dahil sa iyo.
No comments:
Post a Comment