Monday, January 24, 2011

I know I’m stranded. I don’t know how long I’ll be like this but as long as I feel love, there will always be pain.

Matapos ang bagong taon, wala naman talaga akong problema. Wala akong problema sa pagtulog, wala akong iniisip at wala rin akong masyadong inaalala. Yung tipong steady ka lang talaga, yung di ka naman malungkot di ka rin ganoon ka saya, pero bigla yung nag bago kanina noong may nakita akong di ko inaasahan.

24 days na ang lumipas simula ng sabihin ko sa sarili kong kailangan kong lakasan loob ko, kailangan kong patatagin yung sarili ko at kailangan kong hanapin ulit yung dating ako. Sa 24 na araw na yun naging mabuti takbo ng buhay ko. Labas ng konti kasama mga kaibigan ko, kain kasama mga taong kinikilala ko, at minsan pasyal lang din yung tipong okey lang talaga lahat,kumbaga normal.

Ayos na sana e, Okey na talaga. Kumbaga wala na sa akin yun. Alam ko sa sarili ko na tapos na talaga. Na wala na. Na okey na ako at masaya na ako. Pero bakit ganoon?

Bakit kung kailan ka masaya, kung kailan ka kontento sa buhay mo at kung kailan ka na handang mag bakasakali sa iba, saka naman dadating yung taong iniyakan mo, inasahan mo, minahal mo ng sobra. Yung taong bumalewala sayo? Yung taong hindi mo kayang bitawan pero pilit mong kinalimutan.

Ang masakit pa dito, dumating siya hindi para mahalin ka o guluhin ka, pero dumating siya ng di sinasadya. Akala ko dati pag nakita ko siya kaya ko na, hindi pala. Lalo na may kasama siyang iba. Ito yung masaklap, yung alam mo na nga at tanggap mo na sa sarili mo na hindi ka na niya mahal tapos biglang makikita mo sila mag kasama. Iba kasi yung alam mo lang kumpara sa nakita mo talaga. Ang sakit, hindi mo alam saan nanggagaling yung sakit,pero alam mong may masakit.

At eto na naman ako, napa-isip. Parang ang labo talaga, bakit ganon? Hindi ko na alam gagawin ko e. Alam mo yung ang saya-saya mo kanina tapos biglang ang lungkot mo. kumbaga, sa tagal at sa dinadami mong luhang iniyak. Sa mga gabing nag lasing ka. Sa mga panahon na dasal ka ng dasal para lang maging matatag ka, yung matapos lahat ng paghihirap na dinanas mo para masabi mo sa sarili mong matibay ka na at kaya mo na siyang harapin.yung tipong wala ka ng luhang iiiyak pa kasi akala mo na ubos na, tapos sa isang iglap lang, lahat yun mawawala kasi nakita mo na naman siya at na saktan ka at nalaman mo sa sarili mo na kahit ilang libong beses kang mag lasing, ilang litanyang dasal ang isigaw mo at ilang baldeng luha ang iiyak mo, hindi pa rin mawawala yung sakit na nararamdaman mo, kasi alam mo mismo sa sarili mo na mahal mo pa at alam mong patuloy kang masasaktan kasi minamahal mo pa rin yung taong yun.

Ngayon na gugulahan na naman ako at natatakot ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ito. Kasi sa totoo lang at sakit sakit na at hirap na hirap na ako. Wala namang ibang taong makatulong sa akin. Basta ang alam ko ngayon, masakit. Masakit na masakit.


No comments:

Post a Comment