Basa mo naman yan di ba? Alam kong alam mo na alam ko kung ano man yan. Sabi ko naman sayo, iba yung Mahal ka sa Kailangan ka lang. Maniwala ka sa akin, lilipas ang mga araw at buwan at babalik ka ulit sa kalungkutang naramdaman mo. Kung mahal ka talaga noon, papatunayan nya.
Isipin mo na lang, ano ba yung mga bagay na ginawa nya para msabi mong mahal ka niya, at isipin mo yung mga bagay na nagawa niya para msabi mong hindi ka niya mahal. Mag-isip ka at timbangin mo. Makikita mo, tama ako. Oo nakakalungkot mag-isa pero mas nakakalungkot na pagdating mga ilang araw masasabi mong tama ang lahat ng ito. Darating ang panahon na masasaktan ka ulit at sasabihin mo, sana hindi ko na lang pinilit.
Hindi ko pinagdadamot sayo yung kaligayahan mo, sinasabi ko lang sayo to para malaman mong mahal kita at ayokong masaktan ka pagdating ng panahon. Hindi mali ang ipaglaban ang nararamdaman mo, pero tandann mo mali ang saktan at lokohin ang sarili mo dahil lang sa isang bagay na hindi mo kayang bitawan. Lagi mong tandaan, nakasanayan mo lang yan at mawawala rin yan ng hindi mo na mamalayan.
Huwag kang magpakatanga at huwag ka basta-basta maniniwala. Noong mga panahong kabutihan ang pinakita mo sa kanya sinaktan ka pa rin niya. Ngayon pa kaya? sa dinamidami ng kabutihang pinakita mo nakuha ka rin niyang saktan.
Isipin mo na lang, ilang beses mo ba siyang na saktan ng di sinsadya. May mga pangyayari bang na isip mo siyang saktan dahil lang sa gusto mo? Wala diba? Sinasaktan mo lang siya kung may na gagawa siyang nakakasakit sayo. E ikaw may nagawa ka ba sa kanya para saktan ka?
Kung mahal mo talaga ang isang tao iiwas ka sa mga bagay na alam mong makakasakit sa kanya. Yan ang basehan ko kung mahal ka talaga ng isang tao, dahil pag tayo nag mahal ganyan. Hindi tayo basta-basta na lang mag bibitiw ng mga salitang alam nating nakka-insulto at nakakasakit sa taong mga mahal natin.Madali ang mag sorry, pero mahirap ang mag patawad at makalimot.
No comments:
Post a Comment