Saturday, December 11, 2010

Harsh words break no bones but they do break hearts.

Minsan sa buhay natin, parang merong mali pero hindi mo alam kung ano. minsan, may gusto kang sabihin pero hindi mo alam kung paano, o di kaya may gusto kang gawin pero hindi mo alam paano uumpisahan. siguro kasi ang daming tumatakbo sa isip mo, yung sobrang dami na ang gulo-gulo na.

Hindi ko na alam ano pang pwede kong gawin eh. sabi nila mag hintay ka pagtiyagaan mo. eh ginawa ko na yan eh. sabi ng kaibigan ko, suyuin mo araw-arawin mo. ginawa ko na naman, wala eh. biruin mo ah? nag hintay ako, mula 1:00pm hanggang 6:00pm, walang nangyari, tapos kinabukasan ulit. 11:00pm hanggang 3:00am, walang nangyari, yung last 1:00pm-6:00 pm, ayun sa awa ng Diyos may napala ako. pero bago ko siya kinausap. sabi ng mga kaibigan ko wag ko na daw kausapin kung di ko kakayanin yung sakit pag sinabi nya na yung mga bagay na hindi ko inaasahan. sabi ko pa. kaya yan. im prepared. akala ko lang pala yun, iba pala pag totoo na, pag nasa harap muna at mula talaga sa kanya. ang sakit, sobrang sakit.


Dati, pinagpapraktisan ko pa yung mga sasabihin ko sa kanya, pero nung andoon na ako, halos wala akong masabi. hindi ko alam paano uumpisahan. hanggang ngayon pag na iisip ko yun, na iiyak pa rin ako, hindi ko alam na ganun pala yun kasakit. hindi ako makapaniwala. pero kailangan ko rin yun, para at least may mga sagot na sa mga tanong ko.


Ako naman yung may gusto nito, pero bakit ang sakit sakit? bakit ngayon ko lang na isip na mahal ko pa rin siya. hindi naman ako galit sa kanya. pero bakit ganun? hindi mabura sa isip ko yung mga sinabi niya. alam ko kailangan ko na mag move-on, pero ang hirap-hirap.



P: ayaw mo na ba sa akin?
K: hindi sa ganun..
P: ayaw mo na ba sa akin?
K: hindi man sa ayaw..
P: ayaw mo na sakin?
K: hindi man sa ganun.
P: hindi mo na akao love?
K: love man, pero hindi na tulad ng dati..

P: bakit? (crying)
K: anong bakit? bakit ngayon ka lang ganyan?
...
K: ang tagal kong nag move on, tapos ngayon bigla kang babalik, sana maisip mo naman yung pinagdaanan ko, unfair naman yun sa part ko.
P: hindi ko man yun ginusto, alam ko mali ako.
K: nag move on na ako.mag move on ka na rin
P:ayoko.
...
P: may girlfriend ka na ba?
K: wala, pero nag promise na ako sa isang babae. na pag ready na ako, makipag relasyon na ako sa kanya.
P: paano na ako?
K:ayoko siyang masaktan.
P: so okey lang sayo na masaktan ako, kaysa sa kanya?
K:hindi niya ako sinaktan noon.
P:hindi naman kita saktan ngayon..
K:ewan ko. umuwi ka na lang, marami pa akong gagawin.
P:ayoko pa, last naman ito.
K:bakit last na?
P:alangan, bat pa ako mag punta dito kung wala rin pla.
K: may gagawin pa kasi ako.
P: sige mag uwi na lang ako.
.....

K: mag kita na lang tayo this weekend, mag labas tayo.
P:kung as friends lang ayoko. :(

The end. ang sakit noh? nung pauwi na ako kasama ng kaibigan ko, iyak ako ng iyak. sabi ko pa, ayoko na. Lord please help me. hindi yun yung nasa isip ko bago siya naka-usap. ang dami pa naming na pag-usapan pero yun lang yung kabisado ko. kasi yun lang yung tumatak sa utak ko. at least ngayon alam ko, mabuti na rin yung ganun. lahat ginawa ko na, wala na akong magagawa kung ayaw na talaga. Ngayon malungkot ako, pero alam ko matatapos din ito, hindi man ngayon pero alam ko balang araw magiging masaya na ako.

No comments:

Post a Comment