I am sure that everyone out there has heard the old saying, "You don’t know what you have until it’s gone", right?
narinig ko na yan, maraming beses na, pero hindi ko na isip na paulit-ulit pala yang tatakbo sa isip ko. maghapon at magdamag. isip ng isip. kung pwede nga lang baikan yung mga panahong pwede ko pang baguhin lahat ng desisyong na gawa ko gagawin ko, pero ganun naman talaga ang buhay, nag papasalamat na lang ako na kahit sandali naging parte siya ng buhay ko.
madalas kong sabihin sa sarili ko at sa mga kaibigan ko na gusto kong masaktan, yung masakit na masakit. yung tipong di ka na makakain, di ka na rin makatulog kakaisip at kaka-iyak. biruin mo, ngayon heto ako lahat ng sinabi ko nagkatotoo. sige, kwento ko na lang paano.
Grade 5 pa lang ako kilala ko na siya, hanggang sa naging mag kaklase kami nung high school. hindi ko nga siya na gustuhan dati, kasi siya yung tipo ng lalaki na hindi madaling pakisamahan. masungit, tahimik at higit sa lahat antipatiko. pero lahat ng yun nag bago nung mag third year high school kami.
sa isang activity sa klase, naging magka-grupo kami. isang role play ang gagawin namin, ako yung nanay at siya yung tatay. eksakto. kaso yung role namin, hindi nag mamahalan,kailangan lagi kaming nag-aaway, yung tipong binubugbog nya ako. nakakatawa isipin. ayun na nga. lights, camera action! bigla ba naman akong tinulak, wow ang sakit. pero sige, tuloy pa rin sa pag-arte. pagkatapos nga nun, lumapit siya sakin. sabi, masakit ba? sabi ko naman sobra. ayun, sorry ng sorry. simula nun, hate ko na siya.
lumipas ang buwan, hindi ko alam anong pumasok sa kokote niya, kinuha ba naman ang cell phone number ko, pero heto naman si gaga binigay. at ayun nag paligaw naman ako. pero bago pa naging kami, maraming naging hadlang. una sa lahat yung pagpapahiya niya sakin sa values subject namin.
Huwebes yun, kailangan namin mag bigay mensahe sa mga taong naging parte ng high school life namin. na una ako, pinasalamatan ko lahat ng kaibigan ko at nag sorry ako sa lahat ng nasaktan ako. nagulat ako ng sumunod siya sakin, at mas lalo akong nagulat sa mga sinabi nya. sobrang sakit ng mga narinig ko. sinabi niya sa buong klase na pinapaasa niya lang ako sa wala. Sorry, pero pinapaasa lang kita. kaibigan lang talaga ang turing ko sayo.
Talaga lang ah? tignan natin. matapos ng away at misunderstandings sinagot ko siya, it was Sunday. October 13. it was the happiest moment of my life and as time goes by mas lalo ko siyang minahal.
Then we went to college and things started to change. ang dami kong nakilala at naging kaibigan. ang dami kong nalaman. marami akong na diskubre at higit sa lahat mas lalo kong nakilala sarili ko at dun nag umpisa mag baho ang lahat.
Mas ginusto ko pang sumama sa kaibigan ko kesa sa kanya. lahat ng bagay na ayaw nya yun naman ang gusto ko. wala siyang bisyo ako meron at marami. hindi siya nag mumura, hindi naman ako mabubuhay ng hindi nag mumura. sobrang lumaki ulo ko that time, gusto ko lahat ng gusto ko masunod. ako ang boss kumbaga. makasarili ako aminado ako dun.
Hanggang sa lumipas ang mga araw na minsan iniiwasan ko na siya yung tipong nag sisinungaling na ako para maiwasan siya. hindi na rin ako madalas nagtetext sa kanya. halos na pipilitan na lang ako, siguro kase sa konsensya. maraming beses siyang umiyak sa harap ko, sa harap ng ate ko. para siyang asong sunod ng sunod sa akin. hindi ko man lang na isip yung nararamdaman niya. hanggang sa sumuko na siya kakasuyo sakin, hanggang sa pinabayaan niya na ako. hanggang sa akala ko magiging masaya ako sa mga ginawa ko.
Nawala siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako umiyak. hindi ko siya na miss at hindi ko na siya naalala nung mga panahong yung. masayang-masaya ako sa meron ako at sa desisyon kong makipag-hiwalay sa kanya., pero akala ko lang pala yun.
Ganun pala yun? pag sobrang mahal ka ng isang tao, masyado kang nagiging confident, yung tipong kahit anong gawin mo alam mong di siya mawawala sayo kasi alam mong mahal ka niya. isang text ko lang sa kanya andiyan na yan. isang tawag mo lang kahit na saan ka pupuntahan ka niya. ganun siya magmahal lahat gagawin niya. hanggang sa nag sawa na siguro siya kakahintay at kakasunod sakin. ayun nag laho na parang bula.
April 25, 2010 nag kita ulit kami. nag-usap kami, kumain sa labas at hinati niya ako sa bahay namin. marami kaming napag-usapan. tinanong niya ako kung mahal ko pa ba siya? tumawa lang ako, sabi ko ano ka ba? ang tagal na nun. tahimik lang siya. umuwi na rin siya agad pagkatapos nun. parang wala lang yun sakin.
Septembe 23, 2010 birthday nya. binati ko siya at yun konting usap lang. kinabukasan magkikita sana kami, pero hindi na tuloy, so the other day na lang kami nag kita. ayun, kumain kami tapos hinatid niya ako sa bahay tulad ng dati. nag kwentuhan na naman kami hanggang sa umabot kami sa seryosong usapan.
Alam mo ba kung gaano kahirap mag move on? nagulat ako sa tinanong niya, tumawa lang ako. sabi niya simula ng nawala ka sa buhay ko, gabi-gabi dota ako ng dota. iyak ako ng iyak alam mo ba yun? tapos heto ka na naman, kausap ko ngayon parang wala lang nangyari ah, pero wag ka mag-alala okey na ako, nakapag-move-on na ako. wow. the best. tinanong ko siya, hindi mo na ba ako love? sabi nya love pa gud, pero iba na ngayon, ayoko ng masaktan. ouch, parang ang sakit nun ah. ngayon lang ako nakaramdam ng ganun, tagos sa buto.
October, nagkita na naman kami, bago siya umuwi sa Isulan, kumain kami nag sm kami. ayun konting usap lang, dun pa lang naramdaman ko na pwede akin ka na lang ulit? pero hindi ko masabi. hindi ko kayang sabihin.hanggang sa nag-usap ulit kami. ang sakit pala pag nalaman mong mahal ka pa ng isang tao, pero mas pipiliin nya na lang na huwag na, kasi ayaw na niyang masaktan ulit.
Napag isip-isip ko, andun na eh. hawak ko na yung pinakamatinong tao sa mundo,yung taong tanggap ako at mahal ako, pero anong ginawa ko? sinaktan ko na iniwan ko pa. ngayon sinon talo? masaya na siya sa buhay niya, ako masaya ba? hindi.
ito na ba yung karmang sinasabi nila? ito na ba? tangina naman, ang sakit pala. ang sakit na nakikita ko siyang masaya ng wala ako. samantalang dati, alam ko ako lang makakapagpapasaya sa kanya. ako na naman ngayon yung malungkot.
lahat naman ginawa ko na ah, kulang pa ba? nag sorry na ako, nag bago na ako. kulang pa ba yun? mahal kita alam mo yan, ano pa ba gusto mo ha? grabe ka naman. lahat ng gusto mo ginawa ko na, lahat lahat na. bat ka ba ganyan ka tigas ah? ganun na lang ba yun? please naman oh. konti na lang masisiraan na ako ng ulo. mahal kita at ang sakit sakit na.
No comments:
Post a Comment