Mag papasko na, pero Biyernes Santo pa rin ang takbo ng buhay ko. Paano mo ba masasabing tapos na? o pagod ka na?. May halaga pa ba yun, kasi minsan kahit na ibinigay na ng buong mundo lahat ng dahilan para masabi mong wala na, andiyan pa rin eh. nakahawak ka pa rin. Sana bata na lang ulit ako, o di kaya siraulo. Mas mabuti siguro abnormal,o di kaya bato, para at least hindi na ako mag mamahal at para hindi na ako masaktan kahit kailan. Naalala ko tuloy yung sinabi ng kaibigan ko. "dalawang bagay lang naman ang pag dedesisyonan mo, una yung pride mo. pa iiralin mo ba yan at di mo susubukan o susubukan mo at malay mo, malay mo ha? may mangyari." o yun na nga, may nangyari ba?
Alam ko naman na wala na at hanggang doon na lang yun, eh kaso bat ganito? Habang tumatagal lalong sumasakit. Ang dami na ngang nag bago simula nung nag-usap tayo. Inuumaga na ako ng tulog, araw-araw puyat. at pag nakatulog naman ako, halos wala na akong balak magising, normal pa ba ang magising ng 7:00pm? halos di ko na rin maisipang mag pa load. ni mag charge nga ng cellphone di ko na magawa. di na rin ako nakikipaglaro sa mga aso ko. pag gising ko, kakain na lang ako, tapos balik sa kwarto. tulog ulit, di kaya sound trip.fb. wala nga akong gana lumabas ng bahay. isipin mo yun, ang daming nag bago. Gusto ko umuwi ng Isulan, kaso baka makita lang Kita eh. Hindi ko alam bat ganito, o hanggang kailan pa ito. ang hirap. pero okey lang, sabi nila ganito naman daw talaga ito eh, normal lang daw talaga ito.
Alam ko nag sasawa na mga kaibigan ko sa kakakwento ko, kaka-iyak ko,pero sana maintindihan nyo ako. sabi nga nila "move on" aba naman, sa totoo lang, kung pwede nga lang eh pag gising ko wala na to, ginawa ko na. sino ba namang tao ang gustong maging miserable di ba? kung ako lang nga masusunod malamang wala na to. eh wala eh, ganon talaga buhay. Minsan masaya at minsan sobrang lungkot.
Siguro nga may mga bagay lang talaga sa mundo na gusto mo, pero hindi nila hinahayaang mapasayo at wala akong makitang magandang dahilan kung bakit nila hinahayaang mangyari yung ganon. Minsan gusto ko pang subukan ulit, o di kaya mag hintay pa kahit alam kong wala na. Gusto kong maging masaya at pigilan yung mga luha ko. Gusto kong mahalin ako ulit noong taong alam kong matagal na akong kinalimutan. Hanggang sa ginawa ko nga umasa ako na may pag-asa pa, na babalik siya. yun nag hintay ako sa isang bagay na hindi nangyari. nakakalungkot isipin na naniwala ako sa mga bagay na yun. higit sa lahat hindi ko inakala na kaya ko pala ang lahat ng yun.
No comments:
Post a Comment