Saturday, December 25, 2010

I let him go but it doesn’t mean that I don’t love him. I’m just thinking of what might happen. Someday, in the time we don’t expect, we’ll just meet.

Maligayang Pasko! December 24, 2007 ay isa sa mga pinaka-masayang pasko ng buhay ko. Noong araw na yun, kasama namin ang pamilya nya at mga kamag-anak nila sa bahay nila. Ang daming tao. Naalala ko nung pinakilala nya ako sa halos lahat ng kamag-anak nya. Kumanta kami ng "Way Back Into Love" At simula noon, para sa akin yun ang theme song namin,pero para sa kanya hindi daw yun. Okey. Masaya kami noong araw na yun. Ewan ko kung na aalala nya pa yun, kasi ako tandang-tanda ko pa e. Kumain kami ng maraming-marami, tawa kami ng tawa. pagkatapos dumaan kami sa simbahan para mag dasal, siguro mga 12:00 midnight na yun.


DECEMBER 24, 2007

Pero ang tagal na noon, kailangan ko ng bitawan yung mga bagay na yun. Siguro nga tama siya. Kailangan ko ng mag move on. sabagay, parati naman siyang tama. kaya yun na lang ang gagawin ko. pakakawalan ko na siya, hahayaan ko na siya. Ipauubaya ko na lang ang lahat sa Diyos, pero hindi ibig sabihin na hindi ko na siya mahal. hahayaan ko lang muna yung sarili kong mahalain siya hanggang sa mapagod at magsawa ako. Hanggang sa maging masaya na ako at hanggang sa maging malaya na ang puso ko.

No comments:

Post a Comment