Hindi ako yung klase ng taong madaling sumuko. Ako yung tipong laban ng laban, lulusot hanggang may lulusutan pa. Pag may gusto ako, gagawin ko lahat makuha lang yun. Hindi ako bibigay kahit alam kong imposibleng makuha ko yun. Hindi ako titigil kung kaya pa, kung pwede pa.
Pag sinabi nga sa aking bawal, mag tatanong ako bakit daw ? Hanggang walang matinong sagot di ko sinusunod. Pero pag sinabi na sa aking, Tama na, titigil na ako, alam mo kung bakit? Kasi pag sinabing Tama na, ibig sabihin andun na yung sagot. Dalawa lang yan eh, Tama Na kasi nakuha mo na o Tama na kasi wala ng pag-asa.
Simple lang naman prinsipyo ko sa buhay eh, kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan. Kaya wag kang magtataka kung di kita tinitigalan kasi alam mo na kung bakit. Hindi naman ako patay na patay sayo, mahal lang talaga kita. Para malaman mo, iba yung patay na patay sa mahal ka talaga.
Mahirap pag ginawa mo na lahat pero wala pa rin. Pag sinuko mo na pero wala kang na pala. Yung tipong binago mo lahat ng mali sayo kasi gustong-gusto mo yung bagay na yun. Yun yung tipong umiiyak kana kasi hindi mo makuha yung gusto mo.
Kapag mahal mo ang isang tao, hahamakin mo lahat, malaman niya lang na mahal mo sya talaga, kakayanin ang sakit, kahit di niya tanggapin. Kaya gusto kong sabihin na mahal kita, kahit alam kong di mo naman ako mahal. Sa totoo lang,hindi ako malungkot. Wala lang akong dahilan para maging masaya. Magkaiba yun. Kaya ko naman ng wala ka e, yun nga lang hindi ako masaya. Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan at parehas tayong nahirapan. Pero bakit ganon? Sa huli, sino lang yung natirang nagmamahal? Ako lang diba? Alam mo mahal kita. E ano naman pala sayo? Wala lang diba? Kahit na magmukha na akong tanga, ginawa na lahat at iniyakan ka, alam kong wala pa ring kwenta. Kaya siguro unti-unti na akong nagsasawa sa ganito, sa sakit at sa hirap.
Minsan, kailangan mong ibigay ang lahat. Hindi para makuha ang gusto mo kundi para tuluyan ka ng mapagod at tuluyang sumuko.
No comments:
Post a Comment