Saturday, May 8, 2010

HAPPY MAMA'S DAY!

Dahil na inggit ako sa blog post ni jhed gagawa din ako!

Happy mama's day sayo mama! I love you!

MATAPANG ANG MAMA KO, DAHIL:

1. noong Grade 1 pa ako, sinapak nya yung titser ko kasi kinurot nya ako.
2.sinugod nya teacher ko dahil pinagalitan ako.
3.pinagalitan nya classmate ko dahil inaway ako.


MABAIT ANG MAMA KO, DAHIL:

1.sobrang haba ng pasensya nya sa kahit anong bagay.
2.lahat ng gusto namin binibigay nya.
3.lahat ng nagpapasaya sa amin gusto nya.

MAPAGMAHAL ANG MAMA KO, DAHIL:

1.lahat ng mahal mo, mahal din nya.
2.tanggap nya kung ano ang pagkatao mo.
3.ibibigay nya pati buhay nya, mabuhay ka lang.

RESPONSABLE ANG MAMA KO, DAHIL:

1.maaga pa siyang gumigisng para mag trabaho sa bakery namin
2.lahat ng negosyong pwede nyang pasukan pinapasok nya
3.inuuna nya kami bago ang sarili nya.

Mahal ko ang mama ko, dahil may mga bagay sa buhay ko na siya lang ang nakaka-alam at nakaka-intindi. Mahal namin siya, dahil lahat ng ginawa nya ay dakila.

No comments:

Post a Comment