Friday, April 1, 2011

“The death sentence on the three Filipino drug traffickers is the final verdict by the Chinese judicial authorities in accordance with law.

Hindi ko kinikwestion ang hatol ng bansang Tsina laban sa 3 Pilipinong binitay. Hindi ako nag sulat para sabihing kailangan natin silang bigyan ng hustisya. Hindi ito para sa mga taong nagsasabing hindi maka-tao ang ginawang kaparusahan sa kanila, kaya kung hindi ka sang-ayon ngayon pa lang sa sinasabi ko, wag ka ng magbasa.

Una sa lahat, alam ng 3 ofw kung anong pinasok nila. Hindi sila mga tanga para hindi maisip na buhay nila ang nakasalalay at may kaparusahang katapat kung sakaling mabulilyaso man sila at alam ng lahat ng Pilipino ang dahilan kung bakit nila ginawa yun, at yun ay dahil sa kahirapan.

Kung tutuosin, ang dali lng intindihin ng bagay na ito pero ginagawang komplikado dahil sa maraming bagay. Ang pinakamalapit na halimbawa dito, ay tulad ng isang batang pulubi sa kalsada sa gitna ng malakas na ulan. may isang taong darating at sasabihin niya sa bata, "bata, kunan mo ko ng taxi at bibigyan kita ng 20php, sa lagay na yan papayag ang bata kahit na alam nyang delikado at maari siyang mapahamak sa gagawin nya. para sa 20php na yan susuingin nya ang kalsadang punong-puno ng mga mabibilis na sasakyan at di nya iisipin ang lamig ng panahon buhat ng malakas na ulan at hindi nya rin iisipin ang na nginginig na katawan dahil basang-basa na siya ng ulan para lamang sa 20php na yan para sa pera.

Bakit ba sa ibang bansa madalas na huhuli at nabubuking ang mga diskarte ng mga pinoy sa tuwing may operasyon sila sa pagbibitbit ng illegal na droga? ang sagot diyan, walang sistema ng airport ng Pilipinas. Tayong mga Pilipino kasi mahilig sa special treatment at suhol. Aba, kung mahigpit at di na susuhulan yang mga taong andiyan hindi na dapat pa umabot sa ganito.

Bakit ba may mga illegel recruiters dito sa bansa natin? dahil may mga taong mapagsamantala sa kapwa dala ng matinding hirap.

Sino nga ba ang dapat na parusahan? ang mga drug couriers o ang mga illegal recruiters? walang drug couriers kung walang illegal recruiters. kaya dapat lang sila ang bantayan at hulihin.

At bakit nga ba sinisisi ng mga tao ang China? dun na ganap ang krimen, kababayan natin ang nahuli dun at sila ang nagkasala doon sapat lang na bigyan sila ng kaparusahan. Sa mga taong nag sasabing malaupit ang Tsina, talagang malupit sila dahil sa kanila ang batas ay sinusunod at ang batas ay batas. Sa Pilipinas? ang mga pulis pwedeng bayaran, ang mga batas binabalewala at higit sa lahat ito'y kinakalimutan. basta ba mayaman ka e pwede na. kung may pera ka hindi mo sasantuhin yang mga pulis na yan, kahit pa nga presidente ng Pilipinas nahahawakan ng mga taong makapangyarihan.

Wag natin sisihin ang bansang China, wag rin nating sabihing unfair,dahil hindi ito unfair. sa bansa nila meron death penalty, sa atin wala. kung pinatay man nila ang 3 nating kababayan, yun ay dahil sa nagkasala sila. wag nating sabihin na mali at hindi yun makatao dahil magka-iba tayong lahat ng prinsipyo.

Wag nating sabihin na unfair kasi yung mga chinese dito na nakakulong e masarap ang buhay, choice yan ng mga taong namumuno sa bansa natin. choice nilang walang death penalty, mas gusto ata ng bansa natin yung ganun. yung walang sistema at higit sa lahat gusto ng mga namumuno sa atin na ang mga may pera lang ang may hawak ng batas.

No comments:

Post a Comment